Si Padre Jorge ay isang pari sa isang munting bayan sa isang Malayong lalawigan.
Isang linggo nang hapon, dumating siya sa kapilya na may bitbit na luma at kinakalawang na hawla. Ipinatong ni Padre sa pulpito ang lumang hawla.May mga kilay na nagtikwasan na tila nag-uusisa at tila bilang sagot ay nagsimulang magkuwento si Padre Jorge.
"Naglalakad ako kahapon sa kabayanan nang makita ko ang isang binatilyong palapit sa akin. "May dala-dala siyang hawla na naglalaman ng tatlong ibong pipit na nangangatog sa takot. "Tumigil ako at inusisa ko ang binatilyo,
'Anak, ano iyan?'
"Ang sagot niya, 'Mga ibong pipit lang na nahuli ko.'
"Tinanong ko siyang muli, 'Aanhin mo ang mga iyan?'
"Ang sagot niya, 'Iuuwi ko at paglalaruan. Pipitik-pitikin ko sila, hihilahin ang kanilang mga balahibo, at pag-aaway-awayin ko!'
"Ang sabi ko, 'Pero pagsasawaan mo rin ang paglalaro sa kanila. Ano ang gagawin mo pagkatapos?'
"Ang sagot niya, 'May mga pusa akong alaga. Mahilig sa ibong pipit ang mga pusa. Ipakakain ko sila. O kaya, titiradurin ko sila.'
Tumahimik sandali si Padre Jorge, bago nagpatuloy ng pagsasalaysay,
"Inusisa ko ang binatilyo, 'Magkano mo ipagbibili sa akin ang mga ibong pipit na iyan?
"Napakunot-noo ang binatilyo, 'Aanhin ninyo ang mga ibong pipit na ito? Ibon lang ang mga ito. Pangit ang kanilang huni. Hindi sila magaganda!'
"Muli ay nagtanong ako, 'Magkano?' "Sumagot ang binatilyo, 'P100?'
"Agad akong dumukot sa aking bulsa ng P100 at ibinigay ko iyon sa kanya.
"Dali-daling umalis ang binatilyo at iniwan ang hawla na naglalaman ng tatlong ibon. "Kinuha ko ang hawla at nagtungo ako sa lilim ng isang puno, at doon ay binuksan ko ang hawla at pinalaya ang tatlong ibon." Ang hawlang iyon ang nasa pulpito.
At muli, nagkuwento si Padre Jorge...
Isang araw, nag-uusap sina Satanas at Hesus. Kagagaling lamang ni Satanas sa daigdig, at siya ay bumubungisngis at nagmamayabang.
Sabi ni Satanas, "Hoy, Hesus! Nahuli ko ang lahat ng mga tao sa mundo! Nabitag ko silang lahat! Ginamitan ko sila ng iba't ibang pain at kinagat nilang lahat ang mga iyon!"
Nagtanong si Hesus, "Aanhin mo sila?"
Sumagot si Satanas, "Magpapakasaya ako! Tuturuan ko silang magpakasal at kapagkuwan ay maghiwalay! "Tuturuan ko ng kamunduhan at tuturuan ko silang ipalaglag ang mga sanggol sa mga sinapupunan! "Tuturuan ko silang mamuhi sa isa't isa at magmalabis sa kapwa nila! "Tuturuan ko silang maglasing, magmura, magsigarilyo, magsugal, magpakabangag at magpasasa sa laman at kung anu-anong bisyo! "Tuturuan ko silang gumawa ng mga baril at bomba na gagamitin upang magpatayan sila! "Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Kalulugdan ko ang mga kabuktutan at kabaliwan nila!"
Nagtanong si Hesus, "At pagkatapos, aanhin mo sila?" Nakangising sumagot si Satanas, "Pahihirapan ko sila, at lilipulin ko silang lahat."]
Nagtanong si Hesus, "Magkano mo sila ipagbibili sa akin?"
Sagot ni Satanas, "Aanhin mo sila? Tao lang sila. Wala silang silbi. Kunin mo man sila, sila pa ang magagalit sa iyo."Duduraan ka nila. Aalipustain. Pahihirapan. Hindi mo gusto ang mga taong iyan!"
Nagtanong muli si Hesus, "Magkano?"
Sumagot si Satanas, "Lahat ng iyong luha at lahat ng iyong dugo.
"Bulalas ni Hesus, "Sige!"
At nagbayad si Hesus.
Hindi ba kakatwa na napakadali sa mga tao na ibasura ang Diyos at kapagkuwan ay magtataka kung bakit ang mundo ay patungo sa impyerno? Hindi ba kakatwa na may nangangalandakang, "Naniniwala ako sa Diyos," ngunit sinusundan pa rin niya si Satanas? Hindi ba kakatwa na nagte-text ka ng libu-libong kabulastugan at ang mga kabulastugang ito ay mabilis na kumakalat tulad ng mabangis na apoy, ngunit kapag nagpadala ka ng mga mensahe tungkol sa Panginoon, Makadalawang ulit pa na pinag-iisipan ng mga tao kung ikakalat nila ang mga ito? Hindi ba kakatwa na mas inaalala ko ang iisipin ng ibang tao tungkol sa akin kaysa kung ano ang iisipin sa akin ng Panginoon?
Ipinagdarasal ko na ang mga magbabahagi ng kuwentong ito sa kanilang mga kapamilya at kaibigan, sa lahat ng kanilang mahal sa buhay ay bibiyayaan ng Diyos sa paraang natatangi para sa kanila.
Juan 3:16-17 "Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay nya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan." "Sapagkat sinugo ng Diyos ang kanyang Anak, hindi upang hatulang maparusahan ang sanlibutan, kundi upang iligtas ito sa pamamagitan niya."Kaibigan, maari mo bang ibahagi ito sa mga tao!