For this week's project, naisip kong kumuha ng mga imaheng hugis puso sa isang Mall sa Makati. Kaya lang, dahil sa Greenbelt 5 ako pumunta, mejo shala pala ito at konti lang ang nakita ko. Ito ang iba't ibang mga kuha ko...
Itim na tinapay (dahil sa ink ng pusit) sa La Maison sa Greenbelt 5.Galing naman ito ke Fiori Di M sa Adora Department Store. At siyempre, ang Havaianas :)Share ko lang din ang isa pang litrato. Ginamit ko sya sa temang "Tsokolate" pero me kuha din akong ng 2 puting kuneho na tila naghugis puso.
Happy Valentines Day mga Ka-LP!!!!
Kuha sa Feeding Area ng Ark Avilon sa Frontrera Verde, Pasig City
Ang dalawang kunehong mala-tsokolate ang kulay ay maligayang ngumangangata sa isang karot stick na hinahawakan ko habang kinukunan ko itong litratong ito. Puso ang porma nilang dalawa at natuwa ako nung nakita ko ito! Para syang alaala ng aking kabataan habang ako'y pumoporma ng iba't ibang imahe sa mga ulap. Aaaaah, nasa maliliit na detalye talaga ang Diyos.
In English:
The chocolate rabbits happily munch on a carrot stick being held by me as I try to get this shot. The two rabbits together formed a heart and I was really happy to see this! :) It's like a childhood memory of seeing shapes in clouds. :) Aaaaah, God really is in the small details.