
For this week's project, naisip kong kumuha ng mga imaheng hugis puso sa isang Mall sa Makati. Kaya lang, dahil sa Greenbelt 5 ako pumunta, mejo shala pala ito at konti lang ang nakita ko. Ito ang iba't ibang mga kuha ko...
Itim na tinapay (dahil sa ink ng pusit) sa La Maison sa Greenbelt 5.
Galing naman ito ke Fiori Di M sa Adora Department Store.
At siyempre, ang Havaianas :)Share ko lang din ang isa pang litrato. Ginamit ko sya sa temang "Tsokolate" pero me kuha din akong ng 2 puting kuneho na tila naghugis puso.

Happy Valentines Day mga Ka-LP!!!!