Mejo matagal-tagal akong di nakapag-LP. Nagpunta ako ng Tsina nung isang linggo at nagresign naman ako sa trabaho ko. Ngayong araw lang ako nakapahinga talaga kaya buti na lang nadelay ng isang araw ang LP.
Ang paksa sa linggong ito’y paboritong litrato. Naku, sa dami, hindi ako makapili. Kaya pagbigyan nyo na ako at marami ang aking ipopost ngayong linggong ito.
Kuha sa Nokia 6300, ito ay kinunan ko habang kami’y nasa columbary garden kung saan namamahinga ang aking papa. Kulay brown dapat ang snail na ito, ngunit dahil pagabi na nung kinuha ko ito, mejo naging violet sya.
Ito naman ang una kong kuha macro style sa aking digicam na casio exilim. Ang saya ko nung nakuha ko ito kasi hindi sya DLSR, but it has the DLSR trademark
Nung ako’y nasa Tsina, ang pinakamagandang lugar na aking nakita (sa limited cities na napuntahan ko), ay ang Hangzhou. Ito naman ay kuha nung Enero (winter nila). Gusto ko bumalik dito dahil napakadaming pwedeng lugar na kumuha ng litrato!
Ito naman ang kuha kong mga “jumping” shots. proud ako kasi ang galing kong kumuha nito sa casio exilim ko
ang sumunod sa makulay na “jump” shot ay aksidente lamang. natuwa kami nung nakita naming parang sinuntok nya yung kasama namin. kaya ayun, nagmala-street fighter kami.